GMA NEWS: MANG TANI WEATHER REPORT TODAY | BAGYONG BISING LATEST UPDATE | WEATHER UPDATE TODAY LIVE



BAGYONG “BISING”, NAPANATILI ANG LAKAS AT BAHAGYANG BUMAGAL SA PAGKILOS, HINDI NA INAASAHANG MAGLA-LANDFALL SA LUZON NGUNIT MAGING ALERTO PA RIN

Magandang Umaga! Napanatili ng Bagyong #BisingPH (#Surigae) ang kanyang lakas habang patuloy na kumikilos papalapit sa silangang bahagi ng bansa. Hindi na ito inaasahang magla-landfall pero maging alerto pa rin.

Kaninang 4:00 a.m. ay namataan ng PAGASA ang sentro nito sa layong 400 km. East of Catarman, Northern Samar (12.8°N, 128.3°E). Taglay na nito ang lakas ng hangin sa 215 km/h, at pagbugso na aabot sa 265 km/h. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

• Catanduanes
• Eastern Samar
• Northern Samar
• Samar

Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman sa:

• Sorsogon
• Albay
• Camarines Sur
• the eastern portion of Camarines Norte
• Masbate, including Burias and Ticao Islands
• Leyte
• Southern Leyte
• Biliran
• the northern portion of Cebu, including Bantayan and Camotes Islands
• Dinagat Islands
• Surigao del Norte
• the northern portion of Surigao del Sur

Kapag Signal No. 2, ibig sabihin ay asahan ang hangin na may lakas na 61-120 km/h sa susunod na 24 oras, at kapag Signal No. 1, 30-60 km/h sa susunod na 36 oras. Hindi nangangahulugan na rito dadaan ang bagyo.

Wala pa ring halos pagbabago sa forecast track nito at inaasahang kikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran hanggang mamayang gabi bago bumagal sa pagkilos at tumungo pa-hilaga. Bahagyang kikilos ito pa-hilagang kanluran sa Martes ng umaga (Abril 20), bago kumilos pa-hilagang silangan sa Miyerkules ng gabi (Abril 21) o Huwebes ng umaga (Abril 22) palayo sa ating bansa.

Ngayong araw ay asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na may minsang napakalakas na pag-uulan ang ilang bahagi ng Eastern Visayas at Bicol Region, dahil sa paglapit at malaking sirkulasyon ng bagyo. Bukas (Abril 19) ay asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na may minsang napakalakas na pag-uulan sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, at Eastern Samar.

Pinapayuhan ang mga gumagamit ng mga sasakyang pandagat na iwasan munang pumalaot sa karagatan dahil sa bagyo, sa mga sumusunod na lugar:

• the northern and eastern seaboard of Eastern Visayas (4.0 to 12.0 m)
• the eastern seaboard of Luzon (2.5 to 12.0 m)
• the eastern seaboard of Caraga (3.0 to 5.0 m)
• the northern and western seaboards of Northern Luzon (2.5 to 5.0 m)
• the eastern seaboard of Davao Region (2.5 to 3.5 m)

Tandaan na may mga pagbabago pa sa forecast track ng bagyo, kaya’t manatiling nakatutok sa mga susunod na updates.

Mag-ingat po ang lahat!

Video Credits: DOST_PAGASA FB Page
Audio Credits: 24 Oras | GMA News

DISCLAIMER: Please note no copyright infringement is intended. I do not own some materials, images, video clips nor audio clips used in this video. All content used fall under the remits of Fair Use. If happened that someone claims their ownership of the said materials above, I will not hesitate to remove them immediately. Thank you.

📥REACH ME: rmarzan44@gmail.com

source

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Skip to toolbar